Ulat ni Elida Bianca Marcial
Correspondent
Angono Public Information Office
August 8, 2017; Martes, 2:25PM
Matagumpay ang taunang Lakbay Serbisyo 2017, Medical Mission at Bloodletting na ginanap noong August 5, 2017, Sabado, sa Bloomingdale covered court sa Brgy. San Pedro Angono, mula umaga ng alas-8 hanggang tanghali.
Ang libreng medical services at bloodletting activity ay handog ni Mayor Gerry Calderon sa mga taga-Angono para sa kaniyang kaarawan.
Ang mga medical services na handog ng Lakbay Serbisyo 2017 ay medical check-up, dental check-up, eye check-up, acupuncture, at electrocardiogram (ECG).
Mayroon ding laboratory tests kagaya ng blood glucose test, urinalysis at blood type, reflexology and massage at bloodletting activity sa pakikipagtulungan ng Rizal Provincial Governor (RPG) Medical Team at ang mga volunteered doctors mula sa pribadong sektor na sina Dra. Helen Martin, Dr. Cornelio at Dra. Editha Tolentino, Dra. Fe Jocelyn Merced at Dra. Gingergrace Miranda.
May kabuuang 180 pasyente, PWD, senior citizens at mga bata at 590 pamilya ang nahandugan ng medical check-up, may 169 ang nabigyan ng libreng dental services, umaabot sa 29 ang nabigyan ng acupuncture services, may 54 ang reflexology and massage recipients, at nasa 140 ang nabigyan ng libreng eye check-up.
Sa laboratory services naman ay may 87 pasyente ang nabigyan ng Blood Glucose Test, 3 naman sa urinalysis at 1 sa blood type at may 103 naman ang nabigyan ng libreng ECG.
Nagbigay ng suporta sa nasabing gawain ang DOH-Region IV-A, si Cong. Joe Duavit, SM Foundation, Mercury Drug, LafargeHolchim, Ms. Cristina Trinidad, Nurse I ng Municipal Health Office bilang sponsors ng nasabing medical mission. Kasama rin ang Laura’s food products na nagbigay ng snacks sa mga pasyente ng Lakbay Serbisyo 2017.
Lubos-lubos na pasasalamat ang ipinararating ni Carmelita C. Bartolome, KKK secretariat, sa lahat ng tumulong upang mapagtagumpayan ang nasabing medical mission.
Kabilang sa pinasalamatan ni Ma’am Lita sa ngalan ni Mayor Gerry sina Gov. Nini Alcantara-Ynares at ang RPG Medical, Dental and Bloodletting Team sa pamumuno ni Ms. Wendy, ABC-Angono, Dra. Elizabeth Aubrey C. Lorenzo, ang FEDSS, Corni Petiza, reflexologist led by Daisy Aguillon, EMG Laboratory.
Ayon naman kay Ma’am Arlene Ang ng Municipal Health Office, matagumpay ang naging gawain.
“Succesful kasi napakaraming tao, lahat ng services sana naibigay naming sa lahat ng tao ay masiyahan po. Ito ay handog po ng ating butihing Mayor Gerardo V. Calderon para sa mga mamamayan ng Angono at marami po sana kaming matulungan,” wika niya.
Naging matagumpay din ang pag-aalay ng dugo ng ating mga kababayan bilang pagtugon sa pangangailangan na mga taga-Angono sa dugo, sa pakikipagtulungan din ng RPG Medical Team at Association of Barangay Councils.
Sa 55 registrants, 36 ang successful blood donors.
Panawagan pa ni Ma’am Arlene, nawa’y sa susunod ay marami pa ang maging blood donor.
“Dahil kailangang kailangan po namin ng maraming dugo dahil marami po ang nangangailangan nito ‘di lang po mga taga-Angono kundi mga kapwa taga-Rizal natin,” dagdag ni Arlene Ang ng MHO.