Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent, Angono Public Information Office
August 1, 2017
Ang mga movie passes sa libreng sine para sa mga senior citizen at Persons With Disabilities ng Angono, Rizal ay ipamimigay na sa Huwebes August 3, 2017 sa SM Angono Event Center.
Ito ang anawnsment ni Office of Senior Citizens Affairs officer-in-charge Ma’am Lita Bartolome kahapon, July 31, kasabay ng lingguhang pagtataas ng watawat sa liwasang bayan.
Sa pangunguna ni Mayor Gerardo Calderon at ni Ma’am Lita, layunin ng gawain na makapamigay nang 700 movie passes sa mga Senior Citizen ng Angono na maaari nang makanood ng libreng sine sa SM Center Angono.
Mga residente lamang ng Angono ang maaaring makakuha nito na mayroong Senior Citizen ID at free movie access booklet na ibibigay ng Pamahalang Bayan ng Angono.
Ayon kay Ma’am Lita, maaari lamang gamitin ng isang beses sa isang buwan ang passes.
“Maaari lamang manood tuwing Lunes o Huwebes sa una o pangawalang screening at maaari lamang mapanood sa 2D format at regular na pelikula lamang,” wika ni Ma’am Lita.
Dagdag pa ni Ma’am Lita, ang free movie pass ng senior citizen ay hindi maaaring gamitin sa mga sumusunod: movie for premier night; advance screening at VIP screening; kapag national, legal at special holidays; gayundin sa mga sports live telecast o maging sa kahit anong live telecast show; at hindi rin maaaring gamitin tuwing Metro Manila Film Festival na tinatanghal tuwing December 25 hanggang January 7.
“Ito ay hindi maaring ilipat sa ibang tao o maging sa kapwang senior citizen,” pagtatapos ni M’am Lita. (Kasama ang ulat ni Richard R. Gappi)