Nag-courtesy call si Angono artist Aaron Bautista kay Mayor Gerry Calderon ngayong Miyerkules ng umaga, Oct. 25.
Nagpahayag ng pagbati at full support ang punongbayan sa reunion exhibit ng nasabing grupo na pinamagatang Muhon (Paglingon at Pagsulong).
Gaganapin ang opening ng exhibit sa November 4, 2017, Sabado, 6:00PM sa Angkla Art Gallery.
Si Aron, na kagawad din ng Barangay Poblacion Ibaba, ang coordinator ng exhibit at gallery na pag-aari ni Ma’am Joy Vocalan Cruz.
Kabilang sa mga kalahok ang mga sumusunod na artists:
Rani Blanco
Alvin de las Alas
Wire Rommel Tuazon
Carlos Totong Francisco II
Bernardo Balagtas
Isidro Manong Jon Santos
Keiye Miranda Tuazon
Aaron Bautista
Allan Alcantara
Dolpee Alcantara
Rey Balajadia
Charlie Val
Manny Bacani
Marvin Ogie Villegas
Mylene Buenaventura
Viktor Villamil
Omar Blanco
Nogie Blanco
Raymond Gappi
John Jingle Flora
Jon del Rio
Ogie Salmorin
Melvin Quitasol
Elmer Lacanaria
Grets Balajadia
Magkakaroon din ng Artists Talk na pangungunahan ni Richard Gappi sa ganap na 5:00PM.
Ang Angkla Art Gallery ay located sa 3rd floor ng .CPV Bldg., Angono-Binangonan boundary, Manila East Road cor. Col. Guido Street, Brgy. Pag Asa, Binangonan, Rizal.
Bukas ang gallery mula 12:00 PM to 7:00PM, Lunes hanggang Sabado.
Sakaling may katanungan, tumawag o magtext sa 09176435000.
Ang exhibit ay itinatampok din ng Office of the Mayor Gerry Calderon at Municipality of Angono, Angono Tourism Office at Serbisyong MAE Puso.