Mayor Gerry, full support sa Art Dialogo 2017 na tampok din sa Higantes Festival ng Pamahalaang Bayan

Ni Elida Bianca Marcial
Corespondent
Angono Public Information Office

Ngayong araw, Martes, Nov. 21, 2017 magtatapos ang ArtDialogo Asia 2017 na isa sa mga programa sa Higantes Festival ng Pamahalaang Bayan at iprinesenta katuwang ang Punongbayan Gerry Calderon.

Ang Art Dialogo ay isang programang nagsisilbing plataporma upang ipromote ang intercultural dialogue thru arts. Ipinakita rin nito ang heritage, culture at art landscape ng bawat bansang lumahok dito.

Tampok sa Art Dialogo ang sharing of best practices, forum on cultural and artistic heritage and empowerment at maging mga lecture sa art management on an international scale.

Sa nagdaang limang araw na activities ng ArtDialogo Asia 2017, noong Sabado, November 18, 2017 ay nagdaos ng iba’t ibang activities kabilang na dito ang dalawang plenary sessions na “Understanding the Role of Art, Culture and Heritage in foresting dialogues between people and countries” na ang nagsilbing panelists ay sina Robert Hayden Jr., World Council, South East Asia & Pacific ng International Society for Education through Arts sa Portugal at James Owen Saguinsin, Director of Art and Cultural Heritage Office ng Municipality of Angono.

Ang pangalawang plenary ay tinalakay ang Professionalizing Artists: Understanding the Building blocks of a Creative Economy na ang nagsilbing panelists ay sina Israel Esber, Country Representative ng World Contemporary Artists (WCA) ng Hongkong at Jeanette Kamphuis, International Artists mula Sweden.

Ito ay sinundan ng opening ng art exhibit at mga art workshops kagaya ng Sharing the Diversity of Malaysian Culture: Introduction to Chinese Ink Painting na pinangunahan ng Chinese Ink Art Masters na sina Ng Poh Kong and Michael Yee; Introduction to Sketching and Drawing ni Maesto Fernando Sena, ang Father of Philippine Art workshop;

Transcendence of Art: Contemporary, Mixed Media and Transmedia Art ni Orville Tiamson na isang visual artist ng Angono at Learning Indian Heritage through Mehndi Art ni Shiyamala Subramaniam, Visual Artist and Entrepreneur.

Nagbigay ng mensahe ang mga ambassador ng Malaysia na si Dato Raszlan Abdul Rashid at nagsilbing keynote speaker naman si Ambassador Jaroslav Osla Jr. ng Czech Republic na nagtalakay ng Transcending the role of Art in uniting people and cultures. Ito ay sinundan ng isang solidarity and cultural night dinner party.

Kabilang sa kanilang activities ang saksihan ang Higantes Grand Parade noong Linggo, November 19, 2017 kung saan nakita ng mga dayuhang lumahok sa ArtDialogo Asia 2017 ang higanteng sinig ng bayan ng Angono.

Kabilang sa Art Dialogo 2017 artists sina Fernando Sena, Maxi Ramos, Orville Tiamson, Anna Karina Jardin, Nani Reyes, Andre Feltz, Jeanette Kamphuis, Jane Tan, Diane Wong Chee Yin, Kathy Liu Siu Ying, Michael Yee, Shimalaya Subramaniam, Ng Poh Kong, Ang Kooi Yong, Amy Lai Hung Young, Low Poh Tien, Lim Shu Juen, Carlie Manalac, Dino Blanco, Dhan Louie Bautista;

Jovito Blanco, Michael Blanco, Nogie Blanco, Arnaldo “Dodos” Dela Cruz, Mike Melchor, Alberto Magsumbol, Bea Musni, Melvin Repizo, Norlito Evanchez Jr, Mia Alexia Estrada, Danica Espinosa, Raphael Cruz, Jediael Rodriguez, Red Castor, Ellaica Galang, Arleo Alejo at Tyrone Joseph Jayin.

Posted in ANGONO NEWS.