Pinasalamatan kaninang Lunes ng umaga, Nov. 13, ni Mayor Gerry Calderon, sa pamamagitan ni Municipal Health Office administrator Arlene Ang Reyes at KKK Office ang mga nag-donate ng dugo.
Naging matagumpay ang nasabing gawain dahil umabot sa 118 ang successful donors mula sa 160 participants.
Ginanap ito kahapon ng Linggo, November 12, 2017 sa Bloomingdale Covered Court.
Buong pagmamalaki ring iniulat ni Ma’am Arlene na makakamit ng Angono ang target nito na 1% para sa taon na ito kung kaya may green card na ang munisipyo.
Ang green card ay nangangahulugang matagumpay at efficient ang blood donation activities na pinangangasiwaan ng pamahalaang bayan.
Ayon sa kanilang naitalang record, nasa 0.94% na ang achievement ng munisipyo at hindi pa kabilang dito ang resulta nitong huling blood donation.
Ang bayan ng Angono lamang sa lalawigan ng Rizal ang may efficient blood donation activity, ayon kay Ma’am Arlene.
“Dati ang ating blood donation ay di nakakaabot sa score card, dati ay kulay red lang ibig sabihin ay hindi natin nami-meet ang ating target na 1%.
For sure this year, makaka-green card tayo, ibig sabihin napaka-successful ng blood donation program natin at sa buong Rizal ang Angono lang ang kinikilala na may pinaka-efficient na blood donation,” paliwanag ni Ma’am Arlene.
Pinasalamatan din ng Municipal Health Office ang mga nag-donate ng dugo at kabilang dito ang mga grupo ng TGP, AGBI, Radikatoda, Unitoda, PSME, SV TODA, ang kapulisan ng Angono sa pamumuno ni PSUPT. Agusin, AFP, AKP, URS Angono-NSTP, SARANAY, Savemore.
PDAO, BPATS, SR RHA, ICCT College, RAC SEDMMA, KASAKA, Race Ventures, Department of Education ng Angono at 80 1B.
Ang mga indibwal naman na naging blood donor ay sina Ronald Bularin ng MHO, Alfonso Capistrano ng HRMO, Lharita Pardiguerra ng KKK/OSCA, Alex Apolinar ng GSO, Lovely Ines Aralar ng MHO, Jeffrey Andres ng MBO, Von Crisostomo at Amormio Vitor ng PDAO;
Jon Veture ng MHO, Susan Vergara ng Sports, Luisita Vestra kasama ang dalawa niyang anak ng MSWD, Noemi Santos na pinadala ang kanyang dalawang anak sa blood donation, John Ventura, Kusi Aralan at Nicollete Tecson ng KKK office.
At si Dodoy Tolentino sa pagtulong sa MHO na mag-ikot sa pag-aanunsyo sa ginanap na blood donation program.
“Sila po ang mga heroes natin na walang sawang nagdodonate, muli po ang aming pasasalamat sa walang sawang suporta,” wika ni Ma’am Arlene.
Ang Municipal Health Office ay pinamumunuan ni Dr. Jose Lozo samantalang in-charge naman ng KKK office si Ma’am Lita Bartolome.