Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent, Angono Public Information Office
August 1, 2017
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Gerry Calderon sa Mercury Drug na nag-donate sa munisipyo ng worth P100,000.00 na gamot kahapon, Lunes, July 31, 2017.
Ipinagkaloob ang mga gamot nina Mercury Drug District Manager Cora Manalo at Store Branch Manager Cindy Ambrad kasabay ng lingguhang pagtataas ng bandila sa liwasang bayan.
Ayon kay Mayor Gerry, malaki ang maitutulong at pakinabang ng nasabing mga gamot lalupa at may medical mission na gagawin ang munisipyo sa kanyang kaarawan sa August 5 at sa mga susunod pang medical mission.
Nasa pangangalaga naman ang mga gamot ng opisina ng Kapaligiran Kapayapaan at Kababaihan o KKK na si Ma’am Lita Bartolome ang officer-in-charge.
Ang KKK ang nangangasiwa sa mga medical mission at blood donation sa pakikipag-unayan sa municipal health center at sa mga pribadong grupo.
Samantala, sa pakikipag-ugnayan din ni Mayor Gerry upang maghatid ng serbisyo sa mga Persons With Disabilities, tinanggap kahapon ng munisipyo ang tatlong wheelchair.
Ang mga ito ay donated at mula kay Dr. Fe Jocelyn Gragera “Dra. Jutay” Merced, MD, FPAMS, CMA na ibinigay sa mga batang sina Angela Deco, Ronnie Tenogan at Psalm Daniel Bueno na piniling benificiaries.
Si Dra. Jutay ay dating board member ng lalawigan ng Rizal.
Ang Municipal PDAO ay pinamumunuan ni G Amormio Vitor bilang officer-in-charge na taos pusong nagpasalamat kay Dra. Jutay. (Kasama ang ulat ni Richard R. Gappi)