Mga food cart, ipinamahagi ni Mayor Gerry

Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent

Ibinigay ni Mayor Gerry Calderon noong Lunes ng umaga, September 25, 2017 ang mga food cart sa iba’t ibang grupo upang maging source ng kanilang kabuhayan at pandagdag kita para sa kanilang pondo.

Kabilang sa mga tumanggap ang Angono Savers Multi-Purpose Cooperative, Manila East Dream Neighborhood Association Inc., Kalayaan Workers in the Informal Sector Association, Patamaba Homeowners Association, Samahang mga Kababaihan ng MEDNA

Kalinga sa Kalayaan Association, Gelidz East Homeowners Association, Workers in the Informal Sector Enterprise, Religious Sector Angono Family, at Women’s New Millennium Group Palomo Association.

Ang pagpapagawa sa food cart ay mula sa Bottom Up Budgeting o BUB program budget ng Department of Labor and Employment na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.

Posted in ANGONO NEWS.