Ni Elida Bianca Marcial 
Correspondent

Sa naitatalang mga nakawan ngayon sa bayan ng Angono, mahigpit na paalala ni Angono Police Chief Col. Veronica Agusin sa lahat na higit na maging maingat upang hindi manakawan o masalisihan.

Ngayong 3rd quarter, theft ang naitalang pinakamataas na kaso na umabot sa 14, lima naman sa robbery na aabot ng 19 na kaso.

Sa 19 na kasong ito, labing-isa (11) ang solved cases kung saan naaresto na ang mga suspek at nakapagsampa na ng kaso, isa ang cleared case, at pito pa ang uncleared dahil hindi pa identified ang suspect.

Pansin ni Agusin, tuwing 3rd quarter ng taon ay dumadami ang mga kaso.

“Kasi ‘pag December, mataas ang demand. Kailangan ng pera and then usually ‘pag holidays, marami festivities, mga bahay nasalisi, saka yung malalaking establishments, ‘wag na mag-iwan na ng pera kung hindi ibangko na lang prevention din iyon,” wika ni hepe..

Ayon kay Agusin, ang mga hakbang na ginagawa ng kapulisan upang maresolbahan ang mga krimen sa bayan ay ang pinaigting na police visibility, pagpapatrolya sa bawat barangay lalo na sa mga may mataas na naitalang insindente ng theft at robbery, pagbibigay ng crime prevention tips sa pamamagitan ng community mobilization, paging systems, distribution of flyers at ang paggamit ng Facebook bilang social media platform at ang iba pang intervention kagaya ng checkpoints.

Pinaliwanag ni Agusin kung ano-anong factors sa mga nagaganap na krimen, una rito ay ang motibo ng kriminal, instrument gamit ng criminal, at opportunity na magmumula sa mga tao na ito.

Ayon pa kay Agusin, may maitutulong ang community at mga tao.

“’Pag hindi nila binigyan ng window of opportunities itong mga magnanakaw, like ilock yung doors, isecure iyong mga windows, mga motor nila mga bike dapat nakakadena, yung mga sasakyan dapat may alarm system iyon ang mga prevention,” paliwanag pa ni Agusin.

Pahayag pa ni Agusin na kailang maging vigilant o alerto.

“Be vigilant always, secure their respective homes kasi hindi kaya kasi, as of now, 1:1,700 ang police-population ratio natin so itong community mobilization natin, ito ang purpose niya, ito ay para mamobilize lahat ng tao maging vigilant, be aware, at ireport sa kapulisan,” wika ni Agusin.