BASAHIN | Mga residente ng Samahang Sunriseville Angono Dream Homeowner’s Association mga lot owners.
Ngayong Lunes, May 29, 2023, kasabay ng flag raising ceremony ng pamahalaan, iginawad ni Mayor Jeri Mae Calderon ang mga titulo ng lupa sa mga miyembro ng Samahang Sunriseville Angono Dream Homeowner’s Association o SUNVADHA na bahagi ng programang Zero Squatter ng pamahalaan.
Sa pangunguna ng kanilang presidente na si Mary dela Cruz, pinasalamatan ni Dela Cruz ang lahat ng tumulong sa kanilang samahan upang sila ay makapagpundar ng sariling lupa na kinatatayuan ng kanilang mga bahay. Mula sa pagiging informal settlers, marginalized at vulnerable sektor ng Angono, sila ay kinikilala na ngayon bilang formal settler at regular na mga mamimili ng lote.
Para matugunan ang pagdami ng mga informal settlers sa bayan, ipinakilala ang Zero Squatter program ni Mayor Vice Gerry Calderon na tumulong sa libo-libong informal settler families (ISF).
Sa pamamagitan ng Urban Settlement Development Office (USDO), na nilikha sa ilalim ng EO 2010-11 at SB Resolution 12-125, na nagsilbing coordinating unit sa pagitan ng gobyerno, pribadong may-ari, at mga informal settlers para sa pagtugon ng pangangailangan ng mga ISF.
Napagpasyahan ni Mayor Jeri Mae Calderon na palakasin at ipagpatuloy ang programa sapagkat sa pagsibol ng professional squatters, ito ay nagdudulot ng malaking banta sa Social Services Fund at Peace and Order ng LGU.
Ang Zero Squatter Program ay isang win-win mechanism para makatulong sa pagpapagaan ng buhay ng mga informal settlers, pag-institutionalize ng isang opisina na tututok sa pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan at pagsasabatas ng iba’t ibang legislative interventions para suportahan ang programa.
Sa ngayon, may 11, 576 na pamilya ang kasalukuyang naka-enrol sa Zero Squatter Program ayon sa USDO. Sila ay nasa ilalim ng iba`t ibang mga programa ng National Housing Authority.
Inaasahan ng munisipalidad ang isang hinaharap na malaya mula sa “iskwating” sapagkat tuloy-tuloy lang ang progamang sinimulan noon na ipinatutupad pa rin hanggang ngayon.