TINGNAN | Nagcourtesy call ang mga opisyales ng Mission Hills Subdivision kay Mayor Jeri Mae E. Calderon at ni Mayor Vice Gerry Calderon ngayong Marso 7, 2023.

Kaugnay ito sa pagpapatibay ng relasyon ng Mission Hills Subdivision at Pamahalaang Bayan. Layunin ng pagpupulong na ito na mapag-usapan ang mga problema sa komunidad at mga solusyon para rito, bukod rito ay nais nilang makipagtulungan sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng seguridad ng mamamayan.

Boluntaryo rin silang makikilahok sa ilang mga proyekto ng pamahalaan kabilang na rito ang mga proyekto ng Municipal Tourism Office.

Ang Mission Hills Subdivision sa Havila Group of Communities ay matatagpuan sa ilang bahagi ng siyudad ng Antipolo at bayan ng Angono, Rizal.

Ang artikulong ito ay isinulat ng mga intern ng URS Angono.

  • MARIAN JOY CORTAS
  • ALLEC DAI SANTOS
  • ELAINE SARAUSOS
  • CHRISTIAN FIGURACION
  • APOLO DISIMULACION
  • TYRONE VALDEZ