05/17/2023- Lumagada si Angono Mayor Jeri Mae Calderon, kasama ang iba pang mga punong bayan ng 13 munisipyo at 1 siyudad sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng rizal.

Layon ng kasunduang ito ay ang mas malakas na ugnayan sa pagitan ng mga nabanggit na ahensya ng gobyerno upang mas mapadali at mapabilis ang pagbibigay ng mga serbisyo na pakikinabangan ng ating mga OFWs at kanilang pamilya.

Ayon kay Mayor Jeri Mae, “Ang kasunduang ito ay isang paraan upang i acknowledge natin, bilang pamahalaan, ang mahalagang contribution at sakripisyo ng ating mga OFWs para sa ikauunlad ng ating bayan. Dapat talaga na bigyang halaga natin ang kanilang sector gayundin ang kanilang mga pamilya. Makaka asa ang lahat na ang Pamahalaang bayan ng Angono ay patuloy na palalakasin pa ang pagpapatupad ng mga programa upang maisulong at mapangalagaan natin ang kanilang kapakanan.”

Ang OWWA ay kinatawan ni OWWA Deputy Administrator Atty. Honey Quiño. Ang paglagda ng kasunduan ay bahagi ng ika-40 taong anibersaryo ng ahensya. Ito ay ginanap sa Ynares Event Center Antipolo City.

📷 Angelo San Juan
OIC PESO