TINGNAN | Nag-courtesy call kay Mayor Jeri Mae Calderon ang mga manlalarong nagwagi sa 32nd South East Asian Games na si Lovely Vidal Inan, Arvin Tolentino na kinatawan ni Kag. Alberto Tolentino at Prince Kiel Delos Santos na nagwagi sa IWF World Youth Championships ngayong Lunes, May 22, 2023.

Sila ay nagkamit ng Silver at Gold medal sa international tournament para sa larangan ng Basketball at Weightlifting na ginanap sa Cambodia at Albania. Kasama ang kanilang coach na si Richard Pep Agosto, Mr. Josef Mari Malinay ng Angono Sports Commisioner, at Mr. Renan Sanvictores.

Napag-usapan rin ang mga susunod na tournament na kanilang lalahukan at maging ang paghahanda ng mga atleta para rito. Nagbigay naman ng suporta si Mayor Jeri Mae sa ating mga manlalaro.

Hinihikayat naman ni Agosto ang mga kabataan na sumali at gustong sumunod sa mga yapak ng mga manlalaro na pwedeng isabak sa mga susunod pang taon. Dagdag pa niya ay tuloy-tuloy ang training ng mga manlalaro, maging ang pagbantay sa timbang ng mga ito.

Ayon kay Mr. Josef Mari Malinay, marami sa mga kabataan ang nahikayat na sumabak sa weightlifting dahil naging inspirasyon ang pagkapanalo ng mga atleta.

Si Coach Richard Pep Agosto ang hinirang na maging commisioner para sa Weightlifting.

✏️ Jennifer Romero | OJT, YDPID