02/06/2023- sa pangunguna ni Angono Municipal Police Station OIC PMAJ. Henry Villagonzalo Jr. kasama si Mayor Jeri Mae Calderon ay pormal na inilunsad ngayong Lunes ng umaga dito sa Tanggapan ng Pambayang Kapulisan ng Angono ang National Police Clearance System na isa sa mga hinihingi sa paghahanap ng trabaho o iba pang may pangangailangan nito.

Isa ang Angono sa iilang bayan pa lamang sa Lalawigan ng Rizal na nagpoproseso ng NPCS. Ang National Police Clearance ay maaaring makuha sa anumang istasyong meron nito saan ka man nakatira. Kalangan mo lamang mag-apply online, pagkatapos ay magbayad sa mga payment center o via gcash, at kung may appointment na para sa personal appearance ay magdala lamang ng 2 valid id’s.

Panuorin ang naganap na paglulunsad sa link na ito: https://fb.watch/iw7CM5SOqq/
📷 Bernard Laca Jr.
PIO | Angono News

[foogallery id=”4805″]