BASAHIN | Patuloy ang pagpapatupad ng Pamahalaang Bayan ng Angono sa programang Oplan Goodbye Bulate! Ito ay para sa mas malusog, masigla, at matalinong mga kabataan.

Magsisimula ang pagbabahay-bahay ng ating mga healthcare workers upang mamahagi ng gamot ngayong buwan ng Pebrero.

Ang mga lokal na healthcare workers, midwives, at barangay health workers (BHWs) ay bibisita upang mamahagi ng mga gamot na pampurga.

Mamamahagi ng Albendazole tablet sa mga kwalipikadong may edad isa (1) hanggang labing-siyam (19) na taong gulang para maibsan ang pagkakaroon ng bulate.

[foogallery id=”4878″]