Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent
Sa November 2, 2017 from 6AM to 10PM
Sa Triple A ay isasara, may barrier sa gitna na ilalagay.
Lahat ng galing sa SM Angono at sa bayan ay sa DOMSA kakanan/liliko, kakaliwa sa Medalva, lalabas sa Luxury Ville, kakanan pa-main road.
Sa Sunstrip ay one way lamang pa- Floodway.
Mga light vehicles, UV express, private cars lamang ang maaaring dumaan sa Sunstrip Subdivision. Bawal ang mga Public Utility Jeepneys (PUJ) at mga malalaking sasakyan.
Mula Taytay papuntang Angono ay one way lamang papasok ng bayan ng Angono at two-way naman papasok sa highway ng Angono papuntang Binangonan.
Mula Floodway ay one way na sa Baytown papuntang Angono at Binangonan.
No entry naman sa Baytown na papalabas ng Angono.
Alternate route naman ang Keep Moving Ave. sa may MRF na mga nagmumula Floodway. Kung one way papasok ng bayan ng Angono, ang labas ay sa Kandrinai, Kalayaan papuntang bayan.
Sa loading at unloading naman ay:
Pagkagaling ng Taytay ay hanggang Richmond Subdivision lamang pupwede magbaba at magsakay.
Mula St. John (dating eskwelahan malapit sa bukana ng Baytown) hanggang Triple A ay bawal na magsakay at magbaba. Sa Iglesia Ni Cristo na ang susunod na unloading at loading.
Sa DOMSA, ang nakatalagang sakayan ay sa intersection sa bandang UV express terminal. Maaari rin magsakay at magbaba sa service road sa Baytown (mula kanto ng Luxury Villa pa-Angelas Carwash at Caltex)
Mula St. Clement Cemetery hanggang kanto ng service road ay no loading at unloading.
Sa November 2 ay mahigpit na ipapatupad ng pamahalaan ang pagbawal sa pagpasok ng anumang sasakyan sa mga sementeryo at hanggang Iglesia Ni Cristo na lamang maliban na lang kung ito ay may sakay na PWD, senior citizen, buntis.
Mga designated parking areas:
Angono Cockpit Arena Private Parking Area
PSO Designated Parking Area
Brgy. Kalayaan Designated Parking Area
PSO Designated one-side Parking area
PSO Designated motorcycle parking area