Pagbubungsod ng mga bangka sa Lawa ng Laguna para sa Pagoda, gaganapin sa Linggo ng umaga, November 19, 2017

Ang tradisyonal na pagbubungsod ay pangungunahan ng Samahang Viva San Clemente katuwang ang Comite Central de Festejos at mga kalalakihan.

Ang pagbubungsod ay ang paglalabas at pagbababa ng mga bangka mula sa kamalig papunta sa lawa upang disenyuhan ito.

Ang pagputok ng kwitis sa umaga ng Linggo ay “tawag-tao” sa mga nais sumama at tumulong.

Ito rin ang hudyat ng kapisatahan at paghahanda sa Pagoda sa lawa.

Ginaganap ang pagbubungsod taun-taon, sa araw ng Linggo na pinakamalapit bago ang kaarawan ng pista, November 23.

Ang impormasyong ito ay mula sa FB post/memory ni Jan Nico Simpao Macapagal.

Posted in ANGONO NEWS.