Ulat ni Elida Bianca Marcial
Correspondent

Idiniin ni Engr. Arnold Piñon ng Angono MDRRMO ang kahalagahan ng pagiging handa sa lindol sa ginanap na 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill ngayong Miyerkules ng hapon, September 27, 2017 sa Municipal Plaza.

Nakilahok sa drill ang mga empleyado ng munisipyo na nag-duck, cover and hold.

“Itong paghahanda ng ganito, itong pagko-conduct ng earthquake drill, napakahalaga niya kasi sa disaster gamit lang natin is knowledge.

“At wala rin early warning system na makakapagsabi na mga technologies pa sa ngayon kung ito ay gagalaw na o hindi kaya iyong proper duck, cover and hold doon pa lang makakaiwas ka na masaktan, masugatan at posibleng mamatay” paliwanag ni Engr. Piñon.

Base sa Valley Fault System, kasama ang Rodriguez, Rizal sa West Valley Fault na may layong 100km na maaaring magtala ng 7.2 magnitude.

Sa 10km naman sa East Valley Fault kung mangyari ang 6.2 magnitude na lubhang tatamaan ng lindol, kabilang na rin dito ang San Mateo, Rodriguez, Bulacan, Quezon City, Marikina City, Taguig City, Muntinlupa City, Laguna at Cavite.

“Preparedness is the key,” wika ni Engr. Piñon.