03/22/2023- Ngiting Maganda Para sa mga Juana! Ito ang layon ng pinagsamahang programa ng Lokal na Pamahalaan ng Angono sa pamamagitan ng Municipal Health Office- Dental Section at ng paaralang Dr. Vivencio B. Villamayor Integrated School kaugnay ng pagdiriwang ngayong Marso ng Pambansang Buwan ng mga Kababaihan.
Aabot sa mahigit 500 mga babaeng estudyante ang target na mahandugan ng libreng dental check-up, at kung irekomenda naman ng dentista na sila’y mabunutan ng sirang ngipin, ang pasyente’y bibigyan ng appointment sa dental clinic para sa libre namang tooth extraction.
Bukod kina ate, maaari ding mag avail ng serbisyo sa dalawang araw na free dental check sa paaralan ang mga Nanay ng mga mag-aaral at ang kanila ring mga Ma’am.
Ang Women’s Month project na ito ay sa inisyatiba ng DVBVIS sa pangunguna ng kanilang punongguro na si Dr. Rommel Mar De Guzman at GAD Coordinator Ms. Charlene Hernandez, at sa pakikipag-ugnayan naman kay Dr. Paul Maralit ng Dental Section ng Municipal Health Office.
Kasabay nito ay isinagawa rin ng MHO ang health profiling ng mga mag-aaral na isa sa mga isinusulong na gawain ngayon ng lokal na pamahalaan upang higit pang mapalakas ang mga programang pangkalusugan na pinangungunahan ni Mayor Jeri Mae Calderon.
📷 Bernard Laca Jr.
PIO | Angono News
[foogallery id=”5346″]