Teksto ni Richard R. Gappi katuwang ang Angono artist na si Dolpee Alcantara
Tampok sa mga ipinaradang higante ang mga higante ni Totoy Tajan, Totie Argana, Balaw-Balaw, at Nemi Miranda na mga pangunahing gumagawa ng higante sa Angono Art Capital of the Philippines.
Bawat barangay naman ay itinampok ang imbitado nilang banda/mosiko, na ang ilang banda ay galing pa sa Taguig at sa Cabiao, Nueva Ecija.
May ilang eskwelahan din ang tumugtog ng kanilang drum and lyre.
Nasa dulo ng parada ang mga kasapi ng Banda Uno (Angono National Symphonic Band) at mga kasapi ng Comite Central de Festejos.
Pagdating sa simbahan ay tumugtog muli ang mga banda at nagsayaw sa patio ang mga namamanata sa Mahal na Patrong Sam Clemente.