BASAHIN | Bilang bahagi ng Angono Arts Month ay isinagawa ang unang araw ng Poetry Writing Workshop 2023 – Malikhaing Pagsulat ng Tula na may temang “Sining, Kultura at mga Tradisyon ng Angono” kahapon, Pebrero 16, 2023 sa Art Center, Lakeside Eco Park.
Ito ay inorganinsa ng Angono Tourism kasama ang Pamahalaang Bayan ng Angono sa pangunguna ni Mayor Jeri Mae Calderon, Mayor Vice Gerry Calderon at ng Sangguniang Bayan. Tampok rin ang mga manunulat na sina David Joshua Magno, Arlan Camba, Danilo Diaz, Noel Cog Vocalan at Francisco Monteseńa.
Lumahok ang ilan sa mga mag-aaral ng Angono na mula sa Gingergrace Academe, Angono National High School, Nuestra Senora De Guia Academy East Rizal at Dr. Vivencio B. Villamayor Integrated School.
Ibinahagi naman ng Angono Tres-Siete (3/7) Poetry Society ang kanilang kwento at karanasan pagdating sa larangan ng pagsulat na nagbigay inspirasyon sa mga estudyanteng napiling lumahok sa Poetry Writing Workshop.
Sa panayam kay Noel Cog Vocalan nais niyang ihain sa kongreso ang Unified Collective Integrated na ayuda o tulong sa bawat aspiring artist upang mapalawig ang kakayanan ng bawat manunulat.
Dagdag naman ni Diaz, ang naganap na Poetry Workshop ay isang pamamaraan upang mahikayat ang mga kabataang magkaroon ng kompiyansa sa sarili.
Payo naman ni David Joshua Magno na ibinahagi rin noon ni Richard Gappi, isa sa mga pundasyon ng organisasyon ang prinsipyo na iniwan nito at ang pagpapatuloy ng mga turo sa mga kabataan.
Ang mga artista ng bayan ay hindi nalilimita lamang sa pagpipinta at mosiko, mayroon rin sa bahagi ng pag-aakda ng mga panitikan. Layunin ng workshop na ito ang pagyamanin ang sining pagdating sa malikhaing pagsulat.
Ang artikulong ito ay isinulat ng mga intern ng URS-Angono:
Clemence Ashley Odad
Mykalyn Custodio
Alice Cesista
Danica Aparentado
Julie Anne Seclon
Rincess Dolana
Tyrone Valdez
[foogallery id=”5110″]