Sa tagubilin ng mag-amang Jeri Mae Calderon at Mayor Vice Gerry Calderon ay nagsagawa ng clearing operation ang grupo ng PSO/CSU/TMG na pinangunahan ni pso chairman kuya Bryan Villamarin cruz sa mga lumalabag sa illegal parking ordinance sa kahabaan ng DOMSA, bgy. San Isidro.

Ilan sa mga naabutang sasakyan ay pag-aari ng ct galapon trucking na madalas na ring inirereklamo sa paglabag. Inabutan pa ang mga truck na umaandar ang makina at ng katukin ay nalaman na natutulog ang mga driver ng mga ito. Dahil dito ay inisyuhan sila ng TVR sa paulit-ulit na paglabag.

May sasakyan din na ginawang garahe ang kahabaan ng DOMSA at nilagyan pa ng takip o balot ang sasakyan.

Isang vulcanizing shop din ang pinagsabihan na makipag-ugnayan sa BPLO para alamin kung sila ba ay may sapat na permiso/lisensya sa kanilang operasyon dahil nakasasagabal din ang mga trucks na nagpapagawa sa kanila.

Ang operasyon ay isinagawa bunsod ng kabi-kabilang reklamong nakakaabot sa tanggapan ni Mayora Jeri Mae Calderon sa mga illegally parked na mga sasakyan sa kahabaan ng DOMSA na hindi lang nakakasagabal sa kaayusan ng kalsada ngunit naglalagay din sa panganib sa mga nagdaraang sasakyan at mga mamamayan sa nasabing lugar.

Ang operasyong ito ay kanilang ipagpapatuloy upang masiguro ang kaayusan para sa kapakanan ng mga mamamayan ng ating bayan, na siyang pangunahing layunin ng mag-amang Mayora Jeri Mae Calderon at Mayor Vice Gerry Calderon.

[foogallery id=”5547″]