Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent
Ito ay mula sa Angono Public Safety and Order office:
November 17, 2017, Biyernes ng 12 MN
Mula sa intersekyon ng R. Tolentino St. along M.L. Quezon Avenue hanggang Angono town proper malapit sa T-Road ng Col. Guido St. ay sarado upang magbigay daan sa pag set up ng stage para sa GSM Concert Night.
Ang lahat ng mga sasakyan na mangagaling sa Taytay ay dadaan sa alternate route na- R. Tolentino St., Jade St., M. Diaz St. papuntang Angono Public Market. Ang lahat naman ng sasakyan na manggagaling sa Binangonan ay dadaan sa alternate route na Col. Guido St. na lalabas sa Manila East Road highway papuntang Taytay maliban na lamang sa mga emergency situations katulad ng fire trucks, ambulance, police at pribadong sasakyan na papuntang ospital.
Mga kaganapan ng Nov. 17, 2017: GSM Concert Night
November 18, 2017, Sabado ang M.L. Quezon Avenue ay sarado para sa stage setting ng RGMA 97.1 LSFM Pistang Barangay. Ang kalsada ay magiging bukas ng 12 MN.
Mga kaganapan ng Nov. 18, 2017: RGMA 97.1 LSFM Pistang Barangay
November 19, 2017, Linggo
Sa pagbigay daan para sa Higantes Festival Grand Parade ay mula 6AM ang interseksyon sa Triple A ay sarado. Ang lahat ng sasakyan galing Taytay ay kailangan tahakin ang alternate route papuntang Manila East Road highway patungong Binangonan. Ang mga sasakyan ay hindi maaaring dumaan sa M.L Quezon Avenue upang magbigay daan sa Grand Parade assembly sa tapat ng SM Center Angono sa may Kalabaw maliban na lamang sa mga emergency situations katulad ng fire trucks, ambulance, police at pribadong sasakyan na papuntang ospital.
Ang Angono Public Market ay sarado along M.L. Quezon Avenue malapit sa T-Road ng Col. Guido St. at ang lahat ng sasakyan galing Binangonan ay tatahakin ang alternate route na- Col. Guido St. palabas ng Manila East Road highway patungong Taytay.
Ang Triple A ay magbubukas para sa mga motorista ng 11AM pagkatapos ng parade at ang lahat ng sasakyan papasok ng M.L. Quezon Avenue ay tatahakina ng alternate route na R. Tolentino St. papuntang Angono Public Market. Ang M.L. Quezon Avenue sa tapat ng Angono Municipal Hall ay muling magsasara ng 10AM upang magbigay daan sa Street Dancing Competition at pag set up ng stage ng Talk N’ Text Concert Night ng 6PM.
Mga kaganapan ng Nov. 19, 2017: Higantes Grand Parade, Street Dancing Competition at Talk N’ Text Concert Night
November 20, 2017, Lunes
Ang M.L. Quezon Avenue ay sarado para sa gaganapin na ABS-CBN Kapamilya Sopresaya ng 3PM.
Mga kaganapan ng Nov. 20, 2017: ABS-CBN Kapamilya Sopresaya
November 22, 2017, Miyerkules sa Bisperas Mayores
Ang intersekyon ng Triple A ay sarado ng 6AM para magbigay daan sa parada ng 7AM at sa parada ng bayan ng 1PM. Ang lahat ng sasakyan ay dadaan ng Manila East Road papuntang Binangonan.
Mga kaganapan ng Nov.22, 2017: Bisperas Mayores, Prisinta ng mga Banda at Parada ng Bayan
November 23, 2017, Huwebes sa araw ng Kapistahan ni San Clemente, Prusisyon ng Pagoda
Ang area ng Triple A along M.L. Quezon Avenue papuntang Angono town proper ay sarado para magbigay daan sa Fluvial Parade. Ang lugar ng Brgy. Pag-asa (triangle) papuntang Angono town proper via M.L. Quezon Avenue ay sarado. Ang lahat ng sasakyan ay tatahakin ang alternate route na Manila East Road papuntang Taytay maliban na lamang sa emergency situatuions katulad ng fire trucks, ambulance, police at pribadong sasakyan na papuntang ospital.
Ang Triple A ay magbubukas ng 4PM pagkatapos ng parade. Ang lahat ng sasakyan mula Taytay papuntang Angono town proper ay papayagan lamang pumasok ng ONE WAY habang ang Brgy. Pag-asa ay mananatiling sarado at magbubukas lamang ng 6PM.
Mga kaganapan ng Nov. 23, 2017: Kapisatahan ng San Clemente, Prusisyon ng Pagoda