Mula kay Angono Office of the Mayor chief of staff Alan Maniaol:
“For information po ng lahat, ayon po sa DPWH ay sisimulan na po ang pagrepair ng DOMSA (Don Mariano Santos Avenue sa Barangay San Isidro) road sa January 2018.
For bidding na po ang project by November 2017. Ang project cost po ay aabot ng P100 million pesos.
Ang munisipyo po noong 2014 pa ay nag request na sa DPWH na maging national road na ang DOMSA at ngayon lamang taon nai consider ang design po ng kalsada ay batay na sa standard ng national road katulad ng Manila East road.
Ang DOMSA din ay isang Municipal Road at ang standard na kapal ng semento nito ay 8 inches kaya kapag nagkakaroon ng re-blocking sinusunod ng contactor ng Provincial Government ang standard na kapal.
Subalit dahil alam natin na hindi nito kakayanin ang mga dumadaang trucks mula sa quarry site ay minarapat ng Pamahalaang Bayan na gawing 12 inches ang kapal ng semento.
Noong nakaraang nagsagawa ito ng re-blocking sa tapat ng Cozy Homes Subdivision, P1 Million na Base Preparation Mula Lafarge at P2 Million na halaga ng bakal at semento mula sa Trust Fund na donasyon ng mga truckers ang haba nito ay 110 meters.
Ang Planong pagpapagawa naman sa DOMSA ng DPWH sa January 2018 na may halagang 100 Milyong Piso ay sasakop mula sa bukana ng Manila East Road hanggang sa Goldros, two way ang ipapagawa kasama na ang sidewalk at tulay na malapit sa Goldros.
Ang inaasahang kapal nito ay mahigit 12 inches na batay sa standard ng mga national roads. ibig sabihin, matibay na po ito at ang 100 million ay masasabing hindi mataas ang presyo.
Ang nakikita po na pansamantalang solusyon ng Pamahalaang Bayan ay ang pagtatambak ng basecourse o graba sa mga lubak na malalim sa DOMSA upang kahit papaano ay maibsan ang inconvenience sa mga dumadaan dito habang hinihintay natin na ma implement ng DPWH ang nasabing proyekto.
Humihingi na lamang po kami ng pang-unawa sapagkat nitong 2015 lamang po umaksyon ang Pamahalaang Bayan upang pamahalaan na ang donasyon mula sa mga truckers na sa mahabang panahon ay nasa pamamahala ng Brgy. San Isidro.