Gamit ang backhoe, maingat na kinuha noong Sabado, July 22, ni SPO4 Rogelio C. San Juan ang 60MM High Explosive Mortar shell/ammo na nakuha sa drainage sa bukana ng Sunstrip Subdivision at M. L. Quezon Avenue sa Barangay San Isidro.
Si SPO4 San Juan ay kabilang sa Rizal Police Provincial Explosive and Ordnance unit at naka-detail sa Angono police.
Ang mortar shell ay nakita ng mga nagbubungkal at nag-aayos ng drainage sa nasabing lugar.
Ayon kay Angono police community relations officer PO3 Dante Escober, nang masuri ang mortar shell, wala na umano ang pinakadulo nito na tinatawag na UXO kaya hindi umano posibleng sumabog.
Sa tingin ni Escober, nang kapanayamin ng Angono Public Information Office, maaaring matagal na ito sa ilalim ng lupa at nakita ito dahil na rin sa ginawang paghuhukay.
Dagdag pa niya, walang dapat ikabahala ang publiko dahil hindi pananakot ang layunin sa nasabing pangyayari.
Ang nasabing mortar shell ay nai-turnover na sa Rizal police provincial Ordnance unit.
Ang UXO naman, base sa website ng Australian Government Department of Defence, ay tumutukoy sa Unexploded Ordnance.
“Unexploded ordnance (UXO) is any sort of military ammunition or explosive ordnance which has failed to function as intended. It includes sea mines or shells used by the Navy, mortar bombs, mines, artillery shells or hand grenades used by the Army; bombs, rockets or missiles used by the Air Force; and many other types of ammunition and explosives including training munitions.
Explosive ordnance (EO) that has functioned yet contains residual explosive or chemical warfare agent is normally treated as UXO. Derelict, discarded or abandoned explosive ordnance (AXO) is also treated similarly to UXO,” paliwanag ng nasabing defence website.
Samantala, ito ang post/announcement ng Angono PNP sa nasabing pangyayari:
“Rizal Eod in Action. July 22, 2017. SPO4 Rogelio C San Juan, EOD(OS) of Angono Rizal Pnp under direct supervision of PSUPT VERONICA T AGUSIN, OIC, responded on found UXO by excavation personnel doing drainage repair along ML Quezon Ave near Sunstrip Subd Entrance, Brgy San Isidro, Angono, Rizal. Said found UXO was a 60MM High Explosive Mortar shell/ammo and will be turned-over to RBS-EODT-Rizal.”
(Ulat nina Richard Gappi/Elida Bianca Marcial)