05/18/2023- ngayong araw ay kasalukuyang isinasagawa ng Pamahalaang Bayan sa SM Center Angono ang Social Pension Payout para sa ating mga kababayang  na nakabilang sa nasabing programa ng pamahalaang nasyonal. Ngayong Huwebes ng umaga ay ipinamahagi ang kaloob sa mga nakatatanda mula sa Barangay San Roque, habang ngayong hapon naman ay para sa mga taga Barangay Kalayaan. Bukas, araw ng Biyernes ay naka schedule naman ang Barangay San Isidro. Mangyaring makipag ugnayan sa Senior Citizens Office para sa iba pang mga detalye.

📷 Bernard Laca Jr.
PIO | Angono News

[foogallery id=”5600″]