September 23-30, 2017 filing ng candidacy; October 23, barangay election, ayon sa Angono Comelec

Ni Richard R. Gappi
September 7, 2017; Huwebes, 2:53PM

Ito ang kumpirmasyon ni Angono Commission on Election chair Arturo Mercado nang kapanayamin ng aRNO ngayong Huwebes ng hapon, September 7, 2017.

Ayon kay Mercado, as is ang kanilang preparasyon para nasabing halalan.

“Wala naman kaming pormal or legal document na natatanggap na nagsasabing postponed o hindi tuloy ang eleksyon. Kaya naghahanda kami na tuloy ang nasabing eleksyon,” wika pa ni Mercado.

Dagdag pa ni Mercado, tuloy din ang SK o Sangguniang Kabataan election.

Ang ulat ni Mercado ay kumpirmado din ng press release na inilabas ng national Comelec kahapon, Sept. 6.

Nasa nasabing press release na may election din ng 7 SK kagawad.

Matatandaang ilang ulit na ring nabalam ang barangay election.

Nasa second reading na rin sa House of Representative ang bill na nagnanais na ipagpaliban muna uli ang nasabing halalan.

“Hanggang hindi pa nagiging batas ang nasabing panukala, tuloy ang schedule ng barangay election ngayong taon,” wika ni Mercado.

Posted in ANGONO NEWS.