SIM REGISTRATION, EXTENDED NA!

Magbibigay ang pamahalaan ng 90 araw na extension para sa SIM Registration, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ito ay matapos hilingin ng mga telecommunications company sa bansa na palawigin ang deadline para sa SIM Registration para sa mga subscriber na wala pang kumpletong requirements upang mairehistro ang kanilang SIM.

Matatandaang inanunsyo ng Department of Information and Communications Technology – DICT at National Telecommunication Technology (NTC) hanggang Abril 26 na lamang ang SIM Registration.