Acts prohibited:
Sec. 2. Par. 2 – Ipinagbabawal sa sinumang may-ari ng mga negosyo o hanapbuhay, tagapamahala, manager o tagapangasiwa na magpahintulot na gamitin ang kayang lugar o puwesto ng hanapbuhay sa mga paglalaro ng madyong, baraha, sugal o anumang kuwarto nito o kaya ay gawin itong parang cabaret, club, cocktail lounge at iba pang mga bagay na lisya sa layunin ng nabanggit na establisimiyento.
Sek 3. – pagsunod sa mga sumusunod na regulasyon:
Kailangang maliwanag at maaliwalas ang loob at labas na ang tanging ilaw na gagamitin ay flourecent (daylight) o kaya ay incandescent bulb o mga ilaw na kasing liwanag nito;
Walang kurtinang panabing o kya ay magkaroon ng dibisyon, cubicle o inter room sa loob na maaaring pagkublihan;
May sariling palikuran;
Sek. 4. – serbidora ay bawal tumeybol, makisalo, humalo, makipag-romansa o makipagharutan sa mga kostumer om parukyano;
Sek 5. – serbidora ay hindi maaaring uminon ng beer o anumang uri ng inuming nakalalasing sa loob ng nasabing lugar na kanyang pinaglilingkuran;
Sek. 6 – Ang pagbili o pag-inom ng beer o anumang uri ng inuming nakalalasing sa loob ng nasaning lugar ay hindi dapat lumampas ng 12:00 ng gabi;
Sek. 7. – Kailangang may paskil tungkol sa pagbabawal sa pagbili ng beer o anumang nakalalasing sa mga wala pang 18 taong gulang;