Ipagmalaki natin ang tropeong tatak Angono na Obra ni Angono Artist at Kap. Bernie Balagtas

TINGNAN | Ipagmalaki natin ang tropeong tatak Angono na Obra ni Angono Artist at Kap. Bernie Balagtas ng Barangay Kalayaan.

Proud na makikita sa larawan habang hawak-hawak ito ni dating Senador at Business Tycoon na si Manny Villar.

Ilan lamang iyan sa mga likha at disenyong ating maipagmamalaki at pang world class.

Panalo at Mabuhay ka! Kap Bernie Balagtas.

Higantes sa Davao

Nung Higantes Festival natin na bumisita si VP Inday Sara nag biro siya na magkaroon din siya ng sarili niyang Higante. Sineryoso natin at sinakto sa ika-86th Araw ng Davao ngayon dalhin. Inutusan ko si Mayor Vice na magdala at sumama sa parada. Thank you Mayor Baste, balita ko tuwang tuwa ka kay Mayor Vice.

Pambansang Buwan ng mga Kababaihan – Libreng dental check-up

03/22/2023- Ngiting Maganda Para sa mga Juana! Ito ang layon ng pinagsamahang programa ng Lokal na Pamahalaan ng Angono sa pamamagitan ng Municipal Health Office- Dental Section at ng paaralang Dr. Vivencio B. Villamayor Integrated School kaugnay ng pagdiriwang ngayong Marso ng Pambansang Buwan ng mga Kababaihan.

Aabot sa mahigit 500 mga babaeng estudyante ang target na mahandugan ng libreng dental check-up, at kung irekomenda naman ng dentista na sila’y mabunutan ng sirang ngipin, ang pasyente’y bibigyan ng appointment sa dental clinic para sa libre namang tooth extraction.

Bukod kina ate, maaari ding mag avail ng serbisyo sa dalawang araw na free dental check sa paaralan ang mga Nanay ng mga mag-aaral at ang kanila ring mga Ma’am.
Ang Women’s Month project na ito ay sa inisyatiba ng DVBVIS sa pangunguna ng kanilang punongguro na si Dr. Rommel Mar De Guzman at GAD Coordinator Ms. Charlene Hernandez, at sa pakikipag-ugnayan naman kay Dr. Paul Maralit ng Dental Section ng Municipal Health Office.

Kasabay nito ay isinagawa rin ng MHO ang health profiling ng mga mag-aaral na isa sa mga isinusulong na gawain ngayon ng lokal na pamahalaan upang higit pang mapalakas ang mga programang pangkalusugan na pinangungunahan ni Mayor Jeri Mae Calderon.

📷 Bernard Laca Jr.
PIO | Angono News

LTO ATSI Vehicle Renewal Extension Facility

Mapapasó na ba ang rehistro ng sasakyan mo? Huwag nang hintayin pang maexpire ang rehistro at mapagmulta ng LTO!

Para sa hassle-free at mabilis na pagpoproseso, punta na sa ATSI Vehicle Renewal Extension Facility ng Land Transportation Office na matatagpuan sa kanto ng Keep Moving Avenue at Baytown Road sa Barangay Kalayaan dito sa Angono, Rizal. One-Stop-Shop na rito!

As early as 7am ay bukas na ang ATSI para sa mas mabilis na serbisyo. Computerized o Machine Operated hindi lamang ang kanilang Smoke Emission pati na rin ang MV Inspection. Client-friendly pa ang mga staff at sila mismo ang mag aassist sayo.

Dahil all-in na ang kanilang serbisyo, may insurance na rin dito. At matapos ang inspeksyon ay diretso ka na sa renewal ng rehistro sa katabing extension office ng LTO. Wala pang isa’t kalahating oras, ayos na at wala nang problema ang sasakyan mo.

Sa ngayon, para lamang muna ito sa mga magre- RENEW ng Rehistro ng Light Vehicle, Motorcycle at Public Utility Vehicle.

📷 Bernard Laca Jr
PIO | Angono News

Local Verification and Registration of Youth Organizations

YOUTH DEVELOPMENT | Locally verified at registered na ang Akbay Rizaleño – Kilos Ko Youth Rizal bilang Youth-Serving Organization sa bayan ng Angono.

Tinanggap ng kanilang Presidente na si Gwen Oneil O. Villamayor na nakatira sa Barangay San Pedro ang kanilang Local Certificate of Verification and Registration.

Unang youth organization ngayong taon ang Akbay Rizaleño – Kilos Ko Youth na nakapag-sumite ng mga requirements kaya nabigyan ng local verification and registration certificate. Sa kabuuan, labindalawa na ang mga Youth Organizations na na-verify at na-register ng Angono Local
Youth Development Office. Magiging bahagi ang mga nasabing youth organizations ng Local Youth Development Council na naglalayong mapag-ibayo ang adbokasiya na maging bahagi ng pang-nasyonal na kaunlaran ang mga kabataan.

 

Fur Babies Day Out

Sa bisa ng Executive Order No. 84, series of 1999. Idineklara ang Marso bilang Rabies Awareness Month. Sa pakikipagtulungan ng mag amang Mayor Jeri Mae Calderon at Mayor Vice Gerry Calderon kasama ang Provincial Veterinary Office at ng Angono Municipal Agriculture and Veterinary Office ay nagkaroon ng “Fur Babies Day Out” ngayong araw Marso 17, 2023 sa Bloomingdale Covered Court, Angono Rizal. Ito ay bahagi ng proyekto ni Governor Nina Ynares.

Ilan sa mga Fur-Parents na dumalo ay sina Verna Ponferrada dala ang apat niyang Cat Fur Babies at si Korina Cruz dala ang pusang si B2 at aso niyang si Witney. Ayon sa kanila nakakatulong ang libreng programang ito lalo na sa katulad nilang Pet owner.

Tinatayang humigit kumulang 500 pet owners ang inaasahang dadalo ngayong araw para sa libreng konsultasyon.

Ayon kay Dra. Annie Ligeralde ng Provincial Veterinary Office of Rizal karamihan sa mga nagpapakonsulta ay ang mga Fur Babies na may kuto, skin disease at walang ganang kumain.

Payo ni Dr. Joel Tuplano kailangan mapabakunahan ang mga Fur babies tatlong buwan mula sa pagkasilang at dapat ito ay isinasagawa taon-taon.

Inaasahang sa taong 2030 ay Rabies free na para sa kaligtasan ng pamilyang Pilpino.

Ang artikulong ito ay sinulat ng mga intern ng URS-Angono

  • Clemence Ashley Odad
  • Mykalyn Custodio
  • Alice Cesista
  • Danica Aparentado
  • Jullie Anne Seclon
  • Rincess Dolana
  • Tyrone Valdez

Camp Neñada – Angono Townhall Meeting

TINGNAN I Isang pagtitipon ang pinangunahan ng Culture and Arts Managers of the Philippines o CAMP na may layuning magpalaganap ng impormasyon patungkol sa napapanahong isyu tulad ng HIV at LGBTQIA. Ito ay dinaluhan ni Mayor Jeri Mae Calderon, mga kawani mula sa Municipal Health Office, ng mga barangay at ng mga estudyanteng kalahok mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan kahapon, Marso 15, 2023.

Kanilang inilunsad ang #ZeroStigmaPh na may layuning mabawasan ang diskriminasyon at kaakibat na stigma patungkol sa taong apektado ng sakit na HIV. Ang naging medium ng paglalahad ng impormasyon ay idinaan sa pamamagitan ng sining.

Ang proyektong ito ay kanilang sisimulan sa bayan ng Angono. Ito ay magsisilbing art gallery, event space at special testing events na maaaring magamit ng mga mamamayan. Plano ring maglunsad ng mga community centers hindi lamang sa Rizal maging sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

✏️URS Interns

Long Weekend Advisory

Pursuant to Proclamation No. 90, s. 2022, Malacañang declares April 6,7, and 10 as regular holidays, and April 8 a special non-working holiday in observance of this year’s Holy Week (April 6-9) and Day of Valor (April 10).

Source: Official Gazette of the Republic of The Philippines

River Rehabilitation Update

Yung pinapagawa nating river rehabilitation at retaining wall ay nasa may ERodriguez na. Kapag ito ay natapos na, pwede itong jogging lane o laakaran kung san ka man patungo.

SM Center Live Sketching

GRUPO SABADO Exhibit at live sketching dito sa SM Center. Sa picture makikita niyo yung katabi kong bata, 7 years old lang siya pero may art group na at kasali na sa exhibit. Punta kayo sa SM Art Walk, para makita gawa nila. Halos lahat ng artist ay mga estudyante.