Provincial Meet 2023. Go Angono Giants! Keep moving with a heart!
Monthly Archives: February 2023
Free Implant Insertion
MULA SA MUNICIPAL HEALTH OFFICE:
Kung Maliit ang Pamilya Kayang-kaya Outreach Mission
WHAT: FREE Implant Insertion
WHEN: March 1, 2023
Magpunta at magpalista sa kanilang barangay health stations para sa assessment at screening upang makakuha ng kanilang slot.
Libreng Seedlings ng Pamahalaang Bayan ng Angono
BASAHIN | Ang pamimigay ng LIBRENG seedlings ng Pamahalaang Bayan ng Angono sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office ay gaganapin na sa Lunes, Pebrero 27, 2023 ng alas-10 ng umaga bilang bahagi ng Community Pantanim Program ng pamahalaan.
Ito ay naglalayong itaguyod ang backyard farming sa bawat tahanan. Pumunta sa Plaza Rizal at magdala ng seedling bags o plastic cups para sa paglalagyan nito.
Pag-iisang Diwa sa Sining, Kultura at Pamanang Angono
Sa pagpapatuloy ng Buwan ng Sining, ay ipinagdiriwang ang 5th Angono Arts Congress sa Eastridge Golf and Country Clubhouse na may temang “Pag-iisang Diwa sa Sining, Kultura at Pamanang Angono” simula ika-24 hanggang 26 ng Pebrero 2023.
Sa unang araw ay pinasinayaan ang exhibit ng iba’t ibang artworks mula sa pinagsama samang Art Groups sa Bayan ng Angono. Dito ay naging panauhing pandangal si Ms. Irene Marcos at Sir Ino Manalo, Chairman ng NCCA.
Pagkatapos ang nilibot nila ang iba’t ibang Museum at Art Gallery tulad ng 2nd Gallery/ Bahay ni Maestro Botong Francisco, Blanco Family Museum, Nemiranda Art House at ang Poon sa Bahay ng Pamilya Fuentes.
📸 LV
Pagpupugay sa mga Beteranong nagsilbi sa Bayan
TINGNAN | Ipinagdiwang ngayong araw, Pebrero 23, 2023, ang Ika-78 Taon ng Paglaya ng Bayan ng Angono mula sa mga Hapon noong World War II kasama ang Sons and Daughters Association Inc. at Sons and Daughters of Hunters Inc. na may temang “Pagpupugay sa mga Beteranong nagsilbi sa Bayan.”
Ang Sons and Daughters Association Inc. at Sons Daughters of Hunters Inc. ay binubuo ng mga miyembro ng pamilya ng mga sundalong nakipagbuno laban sa mga Hapon noong World War II. Sila ay nagtitipon taon-taon magmula noong 2013 upang magbigay pugay sa mga beteranong nanilbihan sa ating bayan.
Ayon kay Josephina Torres, na anak ng isang beterano, mahalaga ang pagdiriwang na ito lalo na para sa mga kabataan sapagkat kung hindi dahil sa mga beteranong sundalo ay hindi magiging malaya ang Pilipinas.
Sinimulan ni Hon. Bernard Joecel “BJ” N. Forbes, SK Federation President at Committee Chair on Tourism ang pagpupugay sa ating mga beterano sa pamamagitan ng pag-alaala ng kasaysayan ng ating bayan at sa mga ipinamalas na kabayanihan ng ating mga ninuno noong World War II.
Sumunod, nag-alay naman ng isang awitin si Binibining Grace Soleil San Pedro, apo ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika na si Maestro Lucio San Pedro.
Nagbigay naman ng mensahe ang beteranong pintor at manlililok na si Nemesio “Nemiranda” Miranda Jr. para sa mga anak ng mga beterano na nagbahagi ng kabayanihan hindi lang sa ating bayan, kung hindi sa buong bansa.
Si Nemiranda ay naglilok ng bantayog ng mga beterano sa Angono at Cardona. Mayroon din sa Dinalupihan, Bataan sapagkat doon ang naging Last Stand ng mga beterano upang ipagtanggol ang ating bansa.
Ganoon din sa Samar kung saan lumapag si Magellan. Gumawa rin siya ng mural monument sa MacArthur Park ukol sa pagdating ni McArthur sa Palo, Leyte.
Ayon kay Nemiranda, ang mga anak ng beterano ay nagsisilbi upang maging buhay ang mga alaala ng mga bayaning nagtanggol sa ating bayan. Ang Sons and Daughters ng mga beterano ay mananatiling aktibo upang magpaalala na hindi natin dapat kalimutan ang kanilang sakripisyo at kabayanihan. Ang mga anak ang magpapatuloy ng sinimulan ng kanilang mga magulang.
Naghandog din ng tula alay sa mga beterano si Ginoong Noel “CogCog” Vocalan na higante sa larangan ng sining at tanyag sa bayan ng Angono. Siya ang naglagay ng titik sa himno ng ating bayan.
Nagbigay naman ng huling kataga at mensahe si Mayor Jeri Mae E. Calderon, na isa ring apo ng beterano.
Ang artikulong ito ay sinulat ng
- Lakbayin intern (URS-Angono)
- Christian Figuracion
- Jeline Fellizar
- Tyrone Valdez
- Apolo Disimulacion
- Elaine Sarausos
- Reinabel Barcela
- Marian Joy Cortas
- Allec Dei Santos
JOB HIRING! – Earthsmart Human Resource Philippines Inc.
JOB HIRING!
What: Special Recruitment Activity
Company: Earthsmart Human Resource Philippines Inc.
When: February 22, 2023 at 9:00am
Where: PESO-Angono
Please bring your resume and pen. Kindly wear a proper attire with face mask.
Ash Wedensday Observance
The Art Capital of the Philippines and Home of Higantes Festival joins the nation in the observance of Ash Wedensday, tomorrow, February 22, 2023.
Angono Local Government to Give Away Free Seedlings to Promote Backyard Farming
BASAHIN | Mamimigay ng LIBRENG seedlings ang Pamahalaang Bayan ng Angono sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office sa Biyernes, February 24, 2023 ng alas-8 ng umaga bilang bahagi ng Community Pantanim Program ng pamahalaan.
Ito ay naglalayong itaguyod ang backyard farming sa bawat tahanan. Pumunta sa Plaza Rizal at magdala ng seedling bags o plastic cups para sa paglalagyan nito.
JOB HIRING – SM Appliance Center
Company: SM Appliance Center
Where to apply: PESO – Angono
Date and time: February 23, 2023 at 9:00am
Vacancies:
– Accounting Assistants
– Inventory Assistant
– Counter Assistant
– Stock Clerks
– Delivery Clerks
Wear proper attire with face mask. Bring your resume and pen.
Movie Pass for Senior Citizens and PWD’s
ANUNSYO | Simula bukas, Pebrero 21, 2023 ipapamahagi na ang MOVIE PASS para sa mga nag-apply na mga senior citizens at PWDs.
Ang movie pass ay makukuha sa Tanggapan ng KKK mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00am to 5:00pm.