Japanese drummer conducts workshop

By Elida Bianca Marcial
Correspondent
Angono Public Information Office

Japanese percussionist Kento Uchida visited Angono this Friday, August 11 and conducted workshop to members of Angono bands at the Angono Lakeside Eco-Park in Barangay San Vicente.

It was Uchida’s first time in Angono but he has been teaching basic lessons for percussion instruments to Filipinos since last year.

Children from San Vicente Elementary School, Joaquin Guido Elementary School, and members of local bands of Angono participated in the workshop.

Uchida said he admired the Filipinos’ passion for music and eagerness to learn, and this inspired him to continue sharing his knowledge.

Uchida was invited by Angono Wind Ensemble conductor Mr. Rommel Gragera.

The workshop is part of the celebration of Angono Day on August 19, 2017, in which the activities were prepared by the Office of the Mayor and Angono Municipal Tourism, Culture and the Arts Office.

Isa ang hinimatay at walang nasaktan sa sunog sa E. Rodriguez/Dona Nieves Street (SVAC-Gitna) sa Angono, Rizal, kaninang tanghali, Huwebes, August 10, 2017

Ulat nina Elida Bianca Marcial, Reylin Fernandez at Edilberto Collier

(Updated, 9:07PM, Biyernes, August 11, 2017) News: Isa ang hinimatay at walang nasaktan sa sunog sa E. Rodriguez/Dona Nieves Street (SVAC-Gitna) sa Angono, Rizal, kaninang tanghali, Huwebes, August 10, 2017

Ulat nina Elida Bianca Marcial, Reylin Fernandez at Edilberto Collier

Isa ang hinimatay dahil sa grabeng usok at nerbyos ngunit wala namang nasaktan o nasawi sa sunog na naganap kaninang 12:05 ng tanghali, Huwebes, August 10, 2017, sa No. 287 Dona Nieves Street, Barangay San Vicente, Angono, Rizal.

Bandang 12:57PM naman nang ideklara ng Angono Bureau of Fire na fire out o napatay na ang sunog na naitala sa 1st alarm.

Ang hinimatay ngunit kalaunan ay naging conscious naman ay si Menerisa R. Tolentino, ang may-ari ng nasunog na tatlong bahay/pinto na hanay ng apartment sa nasabing lugar.

Bukod sa pinto/tinutuluyan ni Tolentino, totally damaged din ang pinto/apartment na tinutuluyan nina Nelia Villegas, Lanie Duro at Janet Heraldo.

Kina Heraldo nagsimula ang sunog, ayon kay SFO2 Conrado Napoles.

As of 4:40 ng hapon, patuloy pa ring iniimbistigahan ng Angono Bureau of Fire ang dahilan ng sunog at kung magkano ang mga ari-ariang natupok.

Pitong bumbero mula sa Angono, Taytay, at Binangonan ang mabilis na nagresponde sa nasabing insidente.

Si SFO4 Pablo Vite ang naging ground commander sa pagpatay ng apoy.

Nagresponde din ang mga kawani ng Angono MDRRMO, Public Safety and Order, Angono DSWD at ambulansiya ng Barangay San Vicente.

Papunta naman ngayong oras ang mga staff ng Angono DSWD upang magbigay ng tulong sa mga nasunugan.

Matatandaan na halos isa’t kalahating buwan lang ang nakalipas, nagkasunog din malapit sa nasabing lugar.

Nangyari ito sa gitna ng Ibañez Street at Doña Nieves Street kung saan dalawang apartment ang natupok at mabilis ding nagresponde ang mga bumbero.

(Kasama ang ulat ni Richard Gappi/Mga litrato ni Roland Vitor ng Angono Tourism Office)

Libong katao, nakinabang sa libreng serbisyong pangkalusugan nina Mayor Gerry at Gov. Nini

Ulat ni Elida Bianca Marcial
Correspondent
Angono Public Information Office
August 8, 2017; Martes, 2:25PM

Matagumpay ang taunang Lakbay Serbisyo 2017, Medical Mission at Bloodletting na ginanap noong August 5, 2017, Sabado, sa Bloomingdale covered court sa Brgy. San Pedro Angono, mula umaga ng alas-8 hanggang tanghali.

Ang libreng medical services at bloodletting activity ay handog ni Mayor Gerry Calderon sa mga taga-Angono para sa kaniyang kaarawan.
Ang mga medical services na handog ng Lakbay Serbisyo 2017 ay medical check-up, dental check-up, eye check-up, acupuncture, at electrocardiogram (ECG).

Mayroon ding laboratory tests kagaya ng blood glucose test, urinalysis at blood type, reflexology and massage at bloodletting activity sa pakikipagtulungan ng Rizal Provincial Governor (RPG) Medical Team at ang mga volunteered doctors mula sa pribadong sektor na sina Dra. Helen Martin, Dr. Cornelio at Dra. Editha Tolentino, Dra. Fe Jocelyn Merced at Dra. Gingergrace Miranda.

May kabuuang 180 pasyente, PWD, senior citizens at mga bata at 590 pamilya ang nahandugan ng medical check-up, may 169 ang nabigyan ng libreng dental services, umaabot sa 29 ang nabigyan ng acupuncture services, may 54 ang reflexology and massage recipients, at nasa 140 ang nabigyan ng libreng eye check-up.

Sa laboratory services naman ay may 87 pasyente ang nabigyan ng Blood Glucose Test, 3 naman sa urinalysis at 1 sa blood type at may 103 naman ang nabigyan ng libreng ECG.

Nagbigay ng suporta sa nasabing gawain ang DOH-Region IV-A, si Cong. Joe Duavit, SM Foundation, Mercury Drug, LafargeHolchim, Ms. Cristina Trinidad, Nurse I ng Municipal Health Office bilang sponsors ng nasabing medical mission. Kasama rin ang Laura’s food products na nagbigay ng snacks sa mga pasyente ng Lakbay Serbisyo 2017.

Lubos-lubos na pasasalamat ang ipinararating ni Carmelita C. Bartolome, KKK secretariat, sa lahat ng tumulong upang mapagtagumpayan ang nasabing medical mission.

Kabilang sa pinasalamatan ni Ma’am Lita sa ngalan ni Mayor Gerry sina Gov. Nini Alcantara-Ynares at ang RPG Medical, Dental and Bloodletting Team sa pamumuno ni Ms. Wendy, ABC-Angono, Dra. Elizabeth Aubrey C. Lorenzo, ang FEDSS, Corni Petiza, reflexologist led by Daisy Aguillon, EMG Laboratory.

Ayon naman kay Ma’am Arlene Ang ng Municipal Health Office, matagumpay ang naging gawain.

“Succesful kasi napakaraming tao, lahat ng services sana naibigay naming sa lahat ng tao ay masiyahan po. Ito ay handog po ng ating butihing Mayor Gerardo V. Calderon para sa mga mamamayan ng Angono at marami po sana kaming matulungan,” wika niya.

Naging matagumpay din ang pag-aalay ng dugo ng ating mga kababayan bilang pagtugon sa pangangailangan na mga taga-Angono sa dugo, sa pakikipagtulungan din ng RPG Medical Team at Association of Barangay Councils.

Sa 55 registrants, 36 ang successful blood donors.

Panawagan pa ni Ma’am Arlene, nawa’y sa susunod ay marami pa ang maging blood donor.

“Dahil kailangang kailangan po namin ng maraming dugo dahil marami po ang nangangailangan nito ‘di lang po mga taga-Angono kundi mga kapwa taga-Rizal natin,” dagdag ni Arlene Ang ng MHO.

Angono’s successful Market strategies seek another Gawad Galing Pook seal

By Elida Bianca R. Marcial
Correspondent
Angono Public Information Office
August 7, 2017; Monday, 2:10PM

A validator from the Gawad Galing Pook Foundation visited the Angono Public Market last week to vet on the municipality’s successful public market strategies.

Milwilda ‘Nene’ Guevara was welcomed by Angono, Rizal Mayor Gerry Calderon, municipal department heads, and people managing the town’s public market.

Guevarra built a career in public finance and served as undersecretary of the Department of Finance during the administration of Pres. Fidel V. Ramos.

She was the second recipient of the Haydee Yorac Award for Public Service and now serves as president of Synergeia Foundation whose mission is to provide every Filipino child with access to quality basic education.

The foundation hands out the Galing Pook Award, an annual nationwide search for the most outstanding and innovative local governance programs that promote positive results and impact, people’s participation and empowerment, innovation, transferability and sustainability and efficiency of program service delivery in the Philippines.

Galing Pook Foundation’s Board of Trustees is led by former Marikina City Mayor Ma. Lourdes Fernando as chairperson and former Sarangani province Governor Miguel Rene Dominguez as vice-chairperson.

Based on the municipality’s presentation, the edge of Angono Public Market rests on its comprehensive programs and facilities such as Timbangan ng Bayan, Rice Monitoring Board, lactating station for mothers, Solid Waste Management through MRF, and strong people’s participation as it encouraged the establishment of the Angono Public Market Vendors Association.

Records show that the market has been consistently exceeding its annual collection for the past six years, from P2.6M in 1998, to P7.9M in 2008 to P14.4M in 2016 serving as one of the reliable economic enterprises in the municipality.

The Angono Public Market likewise introduced innovations that played important roles in attaining its current state.

These include longer operations of the market, 24/7 security, implementing scheme that made all stallholders secure all the necessary permits from the local government before any operation undertaken, customized debt restructure for arrears and systematic payment scheme of monthly dues, and addressing the long history of religious and cultural differences among stall owners.

Two weeks ago, officials of the same foundation validated the municipality’s other entry in the 2017 Gawad Galing Pook Award titled ‘Zero Squatter Program’ and anti-squatting campaign.

“With the rise of professional squatters in the municipality topped with existence of various professional squatting syndicates pose a great threat to LGU’s Social Services Fund, Peace and Order so in 2012, I introduced the “Zero Squatter Program” which aims to provide security to informal settlers through active campaign.

We created a win-win mechanism to help alleviate the lives of the informal settlers, institutionalize an office that will focus on addressing various needs and enactment of various legislative interventions to support the program,” Mayor Gerry explained during the validation.

Mayor Gerry added: “From being informal settlers, Angono’s marginalized and vulnerable informal sector is now recognized as formal settlers and regular lot buyers. The municipality looks forward to a future that is free from professional squatter and squatting syndicate.” (With reports from Richard R. Gappi)

Angono students, Division of Rizal champion sa disaster risk reduction management Olympics

Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent
Angono Public Information Office
August 7, 2017; Lunes, 1:01PM

Personal na nagpasalamat kay Angono, Rizal Mayor Gerry Calderon ngayong Lunes ng umaga, August 7, ang nag-champion sa Division of Rizal disaster risk-reduction management Olympics na mga taga-Carlos Botong Francisco Memorial National High School.

Ang limang estudyante ng nasabing eskwelahan ang naging representative ng bayan sa paggawa ng floatation device sa Floatation Device Making (group category) na gumamit ng mga recyclable materials noong July 26, 2017 na ginanap sa Cainta, Rizal.

“Mula sa mga PET bottles, 1.5 liters coke bottles o five gallons Wilkins bottles, bamboos ang mga ginamit sa paggawa ng floatation device. Namumukod-tangi ang simpleng design ng grupo kung kaya’t nasungkit ng Carlos Botong Francisco Memorial National High School ang kampeonato,” wika ni G. Marcelino Vocalan na coach ng mga estudyante.

Dagdag pa ni Vocalan: “Iyong design, simple lamang po pero nag-outstand po siya doon sa contest kasi bukod sa hindi lumapat ‘yun aming floating doon sa tubig, naka-angat po siya ng 5 inches sa tubig.”

Ayon pa kay Vocalan, ito ang unang pagkakataong sumali ang eskwelahan sa nasabing contest na ang layunin ay iincorporate sa mga estudyante sa buong Pilipinas ang kahalagan ng kaalaman sa mga disaster risk reduction manangement.

“Iyon ang ipinapakita na kahit mga bata, kayang gumawa basta’t mapag-aralan, gawin nang maayos. Hindi po dahilan para tayo ay hindi magkaroon ng paraan,” wika naman ni Engr. Arnold Pinon, officer-in-charge ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.

Libreng movie passes para mga senior citizen at PWDs

Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent, Angono Public Information Office
August 1, 2017

Ang mga movie passes sa libreng sine para sa mga senior citizen at Persons With Disabilities ng Angono, Rizal ay ipamimigay na sa Huwebes August 3, 2017 sa SM Angono Event Center.

Ito ang anawnsment ni Office of Senior Citizens Affairs officer-in-charge Ma’am Lita Bartolome kahapon, July 31, kasabay ng lingguhang pagtataas ng watawat sa liwasang bayan.

Sa pangunguna ni Mayor Gerardo Calderon at ni Ma’am Lita, layunin ng gawain na makapamigay nang 700 movie passes sa mga Senior Citizen ng Angono na maaari nang makanood ng libreng sine sa SM Center Angono.

Mga residente lamang ng Angono ang maaaring makakuha nito na mayroong Senior Citizen ID at free movie access booklet na ibibigay ng Pamahalang Bayan ng Angono.

Ayon kay Ma’am Lita, maaari lamang gamitin ng isang beses sa isang buwan ang passes.

“Maaari lamang manood tuwing Lunes o Huwebes sa una o pangawalang screening at maaari lamang mapanood sa 2D format at regular na pelikula lamang,” wika ni Ma’am Lita.

Dagdag pa ni Ma’am Lita, ang free movie pass ng senior citizen ay hindi maaaring gamitin sa mga sumusunod: movie for premier night; advance screening at VIP screening; kapag national, legal at special holidays; gayundin sa mga sports live telecast o maging sa kahit anong live telecast show; at hindi rin maaaring gamitin tuwing Metro Manila Film Festival na tinatanghal tuwing December 25 hanggang January 7.

“Ito ay hindi maaring ilipat sa ibang tao o maging sa kapwang senior citizen,” pagtatapos ni M’am Lita. (Kasama ang ulat ni Richard R. Gappi)

Mercury Drug, nag-donate sa munisipyo ng gamot worth P100,000; Dra. Jutay, nag-donate ng wheelchair

Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent, Angono Public Information Office
August 1, 2017

Lubos ang pasasalamat ni Mayor Gerry Calderon sa Mercury Drug na nag-donate sa munisipyo ng worth P100,000.00 na gamot kahapon, Lunes, July 31, 2017.

Ipinagkaloob ang mga gamot nina Mercury Drug District Manager Cora Manalo at Store Branch Manager Cindy Ambrad kasabay ng lingguhang pagtataas ng bandila sa liwasang bayan.

Ayon kay Mayor Gerry, malaki ang maitutulong at pakinabang ng nasabing mga gamot lalupa at may medical mission na gagawin ang munisipyo sa kanyang kaarawan sa August 5 at sa mga susunod pang medical mission.

Nasa pangangalaga naman ang mga gamot ng opisina ng Kapaligiran Kapayapaan at Kababaihan o KKK na si Ma’am Lita Bartolome ang officer-in-charge.

Ang KKK ang nangangasiwa sa mga medical mission at blood donation sa pakikipag-unayan sa municipal health center at sa mga pribadong grupo.

Samantala, sa pakikipag-ugnayan din ni Mayor Gerry upang maghatid ng serbisyo sa mga Persons With Disabilities, tinanggap kahapon ng munisipyo ang tatlong wheelchair.

Ang mga ito ay donated at mula kay Dr. Fe Jocelyn Gragera “Dra. Jutay” Merced, MD, FPAMS, CMA na ibinigay sa mga batang sina Angela Deco, Ronnie Tenogan at Psalm Daniel Bueno na piniling benificiaries.

Si Dra. Jutay ay dating board member ng lalawigan ng Rizal.

Ang Municipal PDAO ay pinamumunuan ni G Amormio Vitor bilang officer-in-charge na taos pusong nagpasalamat kay Dra. Jutay. (Kasama ang ulat ni Richard R. Gappi)

Fr. Regie Malicdem, artist na si Michael Blanco, at Atty. Reynante Orceo, gagawaran ng Pamahalaang Bayan ng Angono ng Dangal ng Bayan Award

Ulat ni Richard R. Gappi

Tatlong tiga-Angono ang gagawaran ng Pamahalaang Bayan ng Dangal ng Bayan Award bilang natatanging mamamayan.

Kinumpirma ito ni G. Juancho Lalic, acting secretary ng Sangguniang Bayan nang kapanayamin ng Angono Rizal News Online ngayong tanghali, Linggo, August 6.

Si Fr. Regie ay gagawaran para sa academic excellence. Nagtapos si Fr. Regie nang summa cum laude sa kanyang kursong Doctor of Sacred Liturgy sa San Beda College at kasalukuyang rector ng Manila Cathedral.

Si Michael naman ay kabilang sa tanyag na Blanco family of painters, curator ng Blanco Family Museum, at nakapag-exhibit na sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at ibang bansa.

Si Atty. Orceo naman ay kasalukuyang undersecretary ng Department of Justice.

Ang awarding ay gaganapin sa August 19, 2017 sa Angono Gymnasium bilang tampok na palatuntunan sa pagdiriwang ng ika-79 na Taon ng Paglagda sa Pagsasarili ng Angono mula sa bayan ng Binangonan.

Ang mga awardees ay ini-nominate ng iba’t ibang indibidwal at grupo na sinuri ng Sangguniang Bayan Committee on Arts, Culture and Tourism sa pangunguna ni Konsehal Jeri Mae Calderon, na pinagtibay naman ng buong kasapian ng Sangguniang Bayan.

Ang pagsasarili ng Angono bilang bayan — na dating barangay ng Binangonan — ay base sa executive order ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong August 19, 1938. Nagkabisa naman ito noong January 1, 1939.

Kabilang din sa mga programa at gawain kaugnay sa pagdiriwang ang blood donation at medical mission, paglilinis ng kapaligiran, art exhibit, workshop sa percussion at pagsulat ng tula, tagisan sa sabayang pagbigkas, Misa-pasasalamat, parada, at pag-aalay ng bulaklak sa rebulto ni Quezon.

Congressman Duavit: P100 million pesos, nakalaan para sa Angono-Antipolo Diversion Road pangsolusyon sa trapik

Ulat ni Philip Anorico

Ito ang anawnsment ni Rizal 1st District Congressman Jack Duavit ngayong Sabado ng gabi, August 5.

Ayon kay Congressman Duavit, ang pondo ay nailaan base na rin sa aprubadong 2017 national budget ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Congressman Duavit, magiging alternative road ito at solusyon sa trapik na nararanasan sa Floodway at Taytay.

Si Congressman Duavit ay bisita sa Kamustahan Para Sa Bayan ni Mayor Gerry Calderon na nagdiriwang ngayong araw ng kanyang ika-56 na kaarawan.

Iniulat din ni Mayor Gerry sa mga tagapakinig ang kanyang mga matatagumpay na proyekto.

Kabilang din sa mga dumalo sina Department of Justice undersecretary Reynante Orceo na taga-Angono, Vice-Gov. Junrey San Juan, Rizal Board Member Ross Glenn Gongora, Morong Mayor Armando San Juan, Pililla Mayor Dan Masinsin, mga konsehal ng bayan, at mga pinuno mula sa iba’t ibang grupo, civil society, homeowners association, at mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Angono.

Angono PWDs, nagpakitang gilas ng mga talento at kakayahan

Pinangunahan noong Sabado, June 22, ni Angono Persons With Disabilities Office in charge Amor Vitor ang programa kaugnay sa 10th National Disability Prevention and Rehabilitation Week.

Tema ng pagdiriwang ang “Karapatan at Pribilehiyo ng Maykapansanan: Isakatuparan at ipaglaban” na ginanap sa Bloomingdale Court sa Barangay San Pedro.

Nagkaroon ng forum tungkol sa mga karapatan ng PWDs at festival of talents tulad ng kantahan at masining na pagpapahayag.

Kabilang sa mga dumalo sina Konsehal Jeri Mae Calderon, Prof. Ligaya Tiamson Rubin, Kapitan Bernie Balagtas, at Angono MSWD officer Luisita Vestra.